I was just at work all through out, and slept on it afterwards. My monita at work was pretty much disappointed that I wasn’t able to buy her anything. Geddemit, I don’t even have time to buy myself the things I wangted to buy for myself since I don’t have a time to go to a mall and buy anything. My monita that happened to be her, didn’t have anything to give me as well, yet I am not disappointed. Why should I? Gift giving should come from the heart, and it is not something that you should be forced to give. Why give so many headaches anyway?
There were other things that irritated me, hearing people saying, “where’s my gift?” Tatagalugin ko na, hindi ba sila nagsawang maregaluhan nung bata sila para manghingi ng regalo ngayong fully grown up na sila? Ano ba sa kanila ang pasko? Isang araw na kung saan lahat ng tao ay parang tumama sa lotto na mamimigay ng balato? Sa hirap ng buhay ngayon, pag ako nawalan ng piso, maiiyak ako, dahil 5 buwan na akong mahigit na naglalakad sa Buendia pero wala pa rin akong napupulot na piso, singkwenta sentimos pa lang.
It has been tiring deleting messages wishing me a merry christmas too. Sa dinamidami ng nagtext, isa lang ang nireplyan ko which is my boyfriend sahil baka magtampururot pa siya kung sasabihan ko siya na hindi naman talaga ako naniniwala sa pasko, at ito’y isang anniversary lamang ng pagkakasira ng pamilya namin. kaya nagreply nalang ako ng ’same to you.’ Panahon din ito para mag-update ng phonebook dahil karamihan ng nagtext ay wala sa phonebook ko ang numero nila, buti nalang ay may pantext ako sa kanila ng ‘Who is this?‘
Nagalit ang ilan sa mga ka-facebook ko ng ginawa kong status message: Anong masaya sa pasko? Wala naman diba? Pakyu sa mga bumati, at imbes na yakapin ninyo ang mga kapamilya ninyo, mas pinili niyo pang himasin ang mga cellphone niyo. Bah humbug.
Totoo naman diba? Ewan ko ba pero simula ng umusbong ang teknolohiya ng mobile phones ay nagsimula ng maging watak ang tao, palibhasa everyone is just a text away, kahit pa physically absent sila.
Sa totoo lang gusto ko nang itapon ang telepono ko sa iskwater’s area malapit sa amin, ayoko kasi minsan na nakokontak ako ng mga tao. Pero wag ka, bibili ako ng sony ericsson c901 pag may oras ako, kasi bukod sa gusto ko na uli mapraktis ang pagiging banidosa ko, gusto ko rin magkaron ng mp3 player combined, at naisip ko na kesa bumili ng mp3 player at isang point and shoot, bibili na lang ako ng telepono, at least hindi ko na kailangan magbitbit ng malaking bag araw araw. At least ang bibilhin kong cellphone e isang kombinasyon ng alarm clock, camera, at mp3 player. Meron din itong flight mode na kapag gusto kong madetain from the world e ituturn on ko nalang ito.
Mukha ba akong obsessed sa gadget na bibilhin ko? Oo. I cannot wait. Kainis kasi at wala akong oras para pumunta sa mall para bilhin ito. Tinetext ko ang mga nakikita kong sellers online pero mga hindi naman sila nagrereply. Nalulungkot ako kasi gusto ko nang magkaron ng bagong cellphone.
May pambili ka nga, wala ka namang oras.
Sabi ng isang team mate ko, mas ok na yung may pambili ka pero wala kang oras, kasi mas madali daw habulin ang oras. Sabi ko sa kanya, mali yang naiisip mo, dahil ang pera, madaling kitain, lalo na sa industriya ng call center, pero ang oras, hindi. Hindi mo na mababalik ang anumang oras na natapos na. Hindi mo na mababalik yun.
At kung pagpipiliin ako kung ano ang nais ko, oras nalang, kesa pera. Dahil kung marami akong oras, marami akong perang pwedeng kitain. Make sense?
Pasko. Isang taon ng pasko na naman ang dumaan sa buhay ko. Isang pasko na naman ang pinadaan ko-umiiyak, nag-iisa, nagmamakaawa, na sana ang tanging hiling ko at matupad, na sana bumalik ang panahon, 3 years ago. O kung pwede bago pa yun, panahon para baguhin ang kasalukuyan, panahon para yakapin ang mga taong malapit sa akin na hindi ko na nakikita ngayon.
Kung maligaya ang inyong pasko, masaya ako para sa inyo.
